Nag-courtesy call si Speaker Ferdinand Martin Romualdez kasama ang kanyang delegasyon kay United States Rep. Ami Bera ng ika-anim na distrito ng California sa tanggapan nito sa Capitol Hill sa Washington DC.
Nasurpresa ang delegasyon ng Pilipinas ng maglabas ng balut at beer ang US lawmaker para sa kanila.
Ang pag-alok ni Rep. Bera ng beer at balut ay nagsilbing simbolikong pagpapakita ng kooperasyon at pagtutulungan ng Estados Unidos at Pilipinas.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang isyu at ang pagpapalakas sa diplomatikong relasyon ng dalawang bansa sa gitna ng geopolitical tension sa mundo.
Binigyan-diin ni Bera ang kahalagahan ng kooperasyon at pagrespeto sa soberanya ng bawat isa.
Bilang tugon, nagpahayag si Speaker Romualdez ng suporta kay Bera at sa distrito nito upang muling igiit ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Amerika.
Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng makasaysayang trilateral partnership sa pagitan ng Amerika, Japan, at Pilipinas.
Umikot ang talakayan sa pagpapalakas ng kakayanang pangdepensa, pagpapa-unlad ng ekonomiya at pagpapalakas ng kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.
Natalakay din ang kahalagahan ng iba’t ibang inisyatiba gaya ng reauthorization ng Generalized System of Preferences, pamumuhunan sa green economy, at partnership sa mga global infrastructure project.
Sa gitna ng mga seryosong pag-uusap, ang konsepto ng “balut diplomacy” ang lumutang na magaan subalit makabuluhang paggalaw para sa palitan ng kultura.
Iminungkahi ni Bera ang paggawa ng isang memorandum of understanding na ipadadala sa embahada ng mga bansa na tatawaging “balut diplomacy.”