-- Advertisements --

Nakatakdang makipagkita ngayong araw si House Speaker Martin Romualdez kay Senate President Chiz Escudero para pag-usapan ang priority legislative agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi nito na mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng Senado at House of Representatives para maisulong ang mga proyekto ng administrasyon.

Kasama rin ang pagtalakay ang ilang mga paghahanda sa nalalapit na State of the Nation Address ng pangulong Marcos.

Umaasa ang opisyal na magkakaroon ng nag-iisang hangarin ang mga mambabatas para sa ikakabuti ng bansa.