Binati ni Speaker Martin Romualdez si Senator Chiz Escudero matapos italagang Senate president kapalit ni Senator Migz Zubiri bumaba sa pwesto ngayong araw.
Nagpa-abot din ng kaniyang taos pusong pasasalamat si Speaker sa liderato ni Zubiri na nagawa nitong panaigin ang pagkakaisa sa dalawang kongreso at ang hindi matatawarang serbisyo sa pagiging pinuno ng Senado.
Sa deskripsyon naman ni Speaker kay Escudero kaniyang sinabi na isang respetadong tao sa mundo ng pulitika, kilala sa kaniyang edukasyon, may integridad at commitment sa sambayanang Filipino.
Umaasa naman si Speaker na magiging mabunga ang bagong partnership sa pagitan ng Senado at House of Representatives.
Sa ngayon kasi nahaharap sa ibat ibang hamon ay oportunidad ang bansa at sa pamamagitan ng pagkakaisa, epektibo nitong tugunan para sa isang magandang kinabukasan para sa mga Filipinos.
Binigyang-diin ni Romualdez na nananatili ang Kamara sa pangako niyo na ipasa ang mga makabuluhang mga panukala na tumutugon sa kapakanan at progreso ng bansa.
Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kanilang inilatag ang mga komprehensibng programa at inisyatibo na naglalayong iangat ang pamumuhay ng mga Filipino.
Sa ilalim ng pamumuno ngayon ni Senator Escudero, naniniwala si Speaker Romualdez na mapapalawak pa ang mga legislative agenda at tiyakin ang matagumpay na pagpapatupad ng mga programa.
“ I look forward to working closely with Senate President Escudero, Senator Zubiri, and all our colleagues in the Senate to build a more prosperous and united Philippines.“