-- Advertisements --

Binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez ang dedikasyon ng bansa na itaguyod ang pagkakaroon ng tunay na “business-friendly climate” sa pamamagitan ng sustained legislative at regulatory forms.

Ginawa ni Speaker ang pahayag sa  ginanap na breakfast interaction ng Philippine delegation sa 2025 World Economic Forum kasama ang top business executives sa Davos, Switzerland.

Ayon kay Romualdez, ang nais aniya ng Pilipinas ay maisulong ang pambansang kaunlaran na magtatatag ng matibay na partnerships at makaengganyo ng foreign investments.

Binanggit din nito ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy o CREATE MORE Act na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos noong Nobyembre bilang bahagi ng reform agenda ng administrasyon.

Paliwanag ni Romualdez, ginawa ang CREATE MORE upang mapabilis ang investment momentum sa pamamagitan ng pag-aalok ng enhanced tax incentives, pag-streamline sa investment approval process, gawing simple ang VAT rules at pagbibigay ng targeted incentives para sa strategic investments.

Malinaw umanong ipinapakita ng batas ang positibong pananaw kung saan nag-commit ang administrasyon na gagawing epektibo ang investment framework.

Dagdag pa ni Romualdez, ipinamamalas ng inisyatiba ang approach ng Pilipinas tungo sa economic policy na inclusive, adaptive at naka-angkla sa matatag na kolaborasyon sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor.

Ipinunto ng House leader na di tulad ng mga bansang nakatutok sa pansariling ekonomiya ay mananatiling bukas at handang tumugon ang Pilipinas sa global community.