-- Advertisements --

speakerchinese

Umapela si House Speaker Martin Romualdez sa Filipino-Chinese businessmen na tulungan ang gobyerno at Kongreso na bumuo ng maa trabaho para sa mga Pilipino para hindi na mangibang bansa ang mga ito.

Sa talumpati ni Speakaer, kaniyang sinabihan ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry na may mga panukalang batas na isinusulong ang Kamara para mapabuti ang business at investment climate sa bansa.

“We hope we can count on the support of the federation in our efforts to open up the Philippine economy, and create more jobs here, so that there would be fewer and fewer of our countrymen who will grow up without their father or mother,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Isa sa unang panukalang batas na inihain sa Kamara ay ang pagbibigay ng tulong sa mga distressed businesses bunsod ng epekto ng Covid-19.

Ito ang House Bill (HB) No. 1, or GUIDE (Government Financial Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery), na inaprubahan na sa 3rd and final reading.

Inaprubahan na rin nuong Martes sa 3rd and final readint ang House Bill No. 7363, or ang “Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso Act,” na naglalayong magkaroon ng sustainable and collateral-free financing sa mga micro and small enterprises.

Isinusulong din ng Kamara ang pagbuo ng Maharlika Investment Fund (MIF) at ang pag amyenda sa economic provisions sa 1987 constitution.

“We are currently pushing for the amendment of key economic provisions of the Constitution, which we view as restrictive, to make it easier for more businesses to set up shop in the country,” wika ni Speaker.

Binigyang-diin ni Speaker na layon ng gobyerno na mabigyan ng magandang buhay ang mga Pilipino.

Ipinunto ni Speaker na mahalaga ang pagkakaisa para makamit ng gobyerno ang mga adhikain para sa bansa.

“Indeed, through unity, we can achieve development and prosperity that much faster. This is the same principle that we applied at the House of Representatives to facilitate the passage of landmark measures to hasten economic recovery. Be assured that your representatives know and understand the important role businesses play in sustaining national development,” sabi ni Romualdez.

Pinasalamatan din ni Speaker ang Federation sa kanilang barrio schools program na malaking tulong lalo na sa Philippine basic education.

“Please continue this mission of charity—for the socio-civic programs, for the education of the Fiipino people. We the Filipino people are so indebted to you. You make us so proud to be Filipinos. You indeed embody the message of unity for the Philippines. Mabuhay po kayong lahat,” pahayag ni Romualdez.