Nagsumite ng panibagong petisyon sa Office of the Ombudsman sina Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez at Citizens Crime Watch.
Layunin nitong hilingin sa Ombudsman na patawan ng preventive suspension sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Majority Leader Mannix Dalipe, Rep. Zaldy Co at Rep. Stella Quimbo.
Bago ito, nagsampa na rin ang grupo ng 12 counts ng falsification of legislative documents laban sa nabanggit na House officials dahil sa umano’y nangyaring insertions sa P241-billion 2025 national budget.
Giit ng petitioners, dapat masuspinde ang naturang mga opisyal upang hindi maimpluwensyahan ang isinasagawang pagsisiyasat.
Anila, mabigat na issue ang dishonesty, oppression, at grave misconduct kaya sapat na batayan ito upang suspindehin ang mga inaakusahan.
Binigyang-diin naman ni Alvarez na hindi ito kapareho ng nauna nilang idinulog sa anti-graft body at maaari raw itong unang aksyunan para sa magiging daloy ng malalimang mga imbestigasyon.