-- Advertisements --

Ibinida ni House Speaker Martin Romualdez ang mga accomplishments sa unang regular sessions ng 19th congress.

Sa kaniyang talumpati bago ang sine ide adjourment ng Kamara, ay ipinagamalaki nito ang 33 sa 42 na LEDAC priority measure ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay napagtibay sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa nasabing 33 na ito ay tatlo na ang naisabatas na at mayroon ding 8,426 na panukala at 567 na resolution sa 1,089 ang naaprubahan na.

Natugunan din ng Kamara ang ilang mga isyu sa pamamagitan ng kanilang oversight functions gaya sa usapin ng mataas na presyo ng sibuyas.