-- Advertisements --

Nakiisa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagdiriwang ng Women’s Month at kinilala ang kahalagahan ng mga kababaihan at pagsusulong ng mga hakbang upang patungo sa pagkakaroon ng gender equality at women empowerment.

Ipinahayag ng pinuno ng Kamara ang higit pa sa pagkilala, ang Women’s Month ay isang panawagan upang alisin ang mga hadlang at lumikha ng mas maraming oportunidad para sa kababaihan sa lahat ng sektor.

Binanggit ni Speaker Romualdez ang matagal nang papel ng kababaihan sa paghubog ng kasaysayan at pag-unlad ng bansa, mula sa kanilang kontribusyon sa tahanan hanggang sa pamumuno sa mahahalagang industriya at pamahalaan.

Habang kinikilala ang mga hakbang na nagtataguyod ng karapatan ng kababaihan, sinabi ni Speaker Romualdez na marami pang kailangang gawin upang matiyak na bawat babae ay may kalayaang maabot ang kanyang buong potensyal.

Tinapos niya ang kanyang mensahe sa pagsasabing ang pagpapalakas ng kababaihan ay nagpapalakas din sa mga pamilya, komunidad, at sa buong bansa.