Ikinalugod ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang naging hakbang ng Department of Agriculture na maibaba ang presyo ng NFA rice sa P35 kada kilo na malaking tulong sa food security ng bansa.
Pinapatiyak rin ni Speaker Romualdez sa pamahalaan na hindi ito makakaapekto sa kita ng ating mga magsasaka para magpatuloy ang kanilang produksyon ng bigas.
Ayon kay Romualdez, ang ideal na sitwasyon ay mapanatili ang mataas na farmgate price na nagbibigay ng tamang kita para sa ating mga magsasaka habang sinisiguro na ang presyo ng bigas sa merkado ay abot-kaya para sa mga mamimili.
Batid ni Romualez na hindi madaling pagsabayin ang interes ng mga magsasaka at mamimili, ngunit kanyang binigyang diin na ito ay mahalaga para sa ating ekonomiya at seguridad sa pagkain.
Siniguro naman ni Speaker na mahigpit na babantayan ng Kamara ang implementasyon sa pricing strategy.
Dagdag pa niRomualdez na kung kinakailangan ng mga pagbabago sa polisiya, nakahanda ang Kamara magbigay ng suporta upang matiyak na ang bawat Pilipino, lalo na ang mga magsasaka, ay makikinabang sa gagawing reporma.