Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., plinantsa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagpapalabas ng P390 milyong halaga ng tulong pinansyal para sa mga nasalanta ng Bagyong Enteng na nagpabaha sa malaking bahagi ng Metro Manila at CALABARZON.
Ang tanggapan ni Speaker Romualdez at ng Tingog Party-list ay maglalabas din ng pondo para sa pamamahagi ng 35,000 food packs na naglalaman ng de lata, noodles, at bigas sa mga evacuation center sa Metro Manila at Rizal simula ngayong Martes.
Ayon kay Speaker Romualdez, isang abugado mula sa University of the Philippines (UP), tig-P10 milyong financial aid ang ibibigay sa mga pamilyang apektado sa 39 na congressional district na naapektuhan ng bagyo.
Ang kabuuang P390 milyong financial assistance ay popondohan sa ilalim ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Uunahin sa mga bibigyan ng tulong pinansyal ang mga pinakabulnerableng sektor na nasalanta ng bagyo upang mabilis na makabangon ang mga ito, ayon kay Speaker Romualdez.
Ang mga benepisyaryo ay mga residente sa distrito nina Rep. Oscar Malapitan, Rep. Mary Mitzi Cajayon-Uy, Rep. Dean Asistio, Rep. Camille Villar, Rep. Romulo Peña Jr., Rep. Luis Campos Jr., Rep. Josephine Veronique Lacson-Noel, Rep. Neptali Gonzales II, Rep. Ernix Dionisio, Rep. Rolando Valeriano, Rep. Joel Chua, Rep. Edward Maceda, Rep. Irwin Tieng, Rep. Benny Abante, Rep. Maan Teodoro, Rep. Stella Quimbo, Rep. Jaime Fresnedi, Rep. Toby Tiangco, Rep. Edwin Olivarez, Rep. Gustavo Tambunting, Rep. Antonino Calixto, Rep. Roman Romulo, Rep. Arjo Atayde, Rep. Ralph Tulfo, Rep. Franz Pumaren, Rep. Marvin Rillo, Rep. PM Vargas, Rep. Marivic Co-Pilar, Rep. Bel Zamora, Rep. Ading Cruz, Rep. Pammy Zamora, Rep. Eric Martinez, Rep. Michael John Duavit, Rep. Dino Tanjuatco, Rep. Jose Arturo Garcia, Rep. Juan Fidel Nograles, Rep. Mark Enverga, Rep. Romeo Acop at Rep. Robbie Puno.
“As we work together to recover from the effects of Typhoon Enteng, let us continue to support one another. Though the road ahead may be challenging, with compassion and determination, I believe we can rebuild and move forward. To the typhoon victims, please take care and remember that we are with you every step of the way,” pahayag ni Speaker Romualdez.