Ipinapanukala ni House Speaker Martin Romualdez ang posibleng paetnership ng Pilipinas, United States (US), at India sa pagtatayo ng digital public infrastructure sa bansa.
Ginawa ni Romualdez ang kaniyang panukala matapos dumalo sa Digital Public Infrastructure lecture nuong Sabado (Philippine time) na ginanap sa International Monetary Fund (IMF) headquarters sa Washington D.C. kung saan nagkaroon ng pagkakataon na makausap nito si Mr. Nandan Nilekani, isa sa mga founders ng Indian multinational information technology company ang Infosys.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng World Bank (WB)-IMF Spring Meetings.
Binigyang-diin ni Spealer na ang pagtatayo ng public digital platforms ay napaka angkop at naka linya sa campaign promise ng Pangulong Marcos na palakasin ang digital transformation ng bansa.
Ipinunto ni Speaker na ito ang dahilan sa pagpasa ng House of Representatives sa E-Governance/E-Government Bill, na layong ilipat ang buong burukrasya sa digital space para sa mas mabilis at transparent na pagbibigay serbisyo at magkaroon ng magandang pakikipag ugnayan sa publiko.
Sa kabilang dako, binati naman ni Speaker ang economic team ng Pang. Marcos na matagumpay na naiprinisinta ang economic situation ng Pilipinas sa isinagawang Philippine Economic Briefing sa Washington.