Hinimok ni Speker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kanyang mga kapwa taga-gobyerno na magkaisa sa pagkilala at pagbibigay-pugay sa namumukod-tanging pamana ng serbisyo publiko ni dating Speaker Jose de Venecia Jr.
Ang panawagan ng pinuno ng 307-mga kinatawan ng Kamara de Representantes ay kasabay ng pagpapasinaya sa gusali sa Batasan Complex Quezon City, sunod sa pangalan ni dating Speaker De Venecia, na inilarawan nya bilang “a man of great ideas” at “of profound humanity.”
Kasama ni dating Speaker De Venecia sa event ang kanyang asawang si dating Pangasinan Rep. Maria Georgina De Venecia, na kilala bilang “Manay Gina,” at anak na si Rep. Christopher De Venecia, ang kasalukuyang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Pangasinan.
Ayon kay Speaker Romualdez na sa mga pinakamahuhusay na lider ng bansa, kakaunti ang mga pangalan na kasing taas ng pagpapahalaga at respeto ibinibigay tulad ng kay dating Speaker de Venecia.
Dagdag pa Speaker Romualdez si “Speaker Joe,” ay isang natatanging lider sa pulitika ng Pilipinas isang lider na nagtataguyod ng pagkakaisa sa kabila ng mga pagkakaiba, gamit ang kasanayan ng isang diplomat at ang buong pusong pagmamahal sa bayan.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang mga makabuluhang nagawa ni Speaker Joe sa larangan ng diplomasya.