Walang duda na makamit ng Pilipinas ang rice-self sufficiency sa ilalim ng convergence program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, target kasi ng programa na magkaroon ng isang sustainable development and resource management para sa isang resilient na hinaharap para sa mga Filipino.
Paliwanag ni Speaker ang flood control program ay may malawak na water management strategies na siyang daan para makamit ng bansa ang rice self-sufficiency, makaligtas ng buhay at maging sa mga properties.
Ayon pa kay Romualdez, ang programa ay naka linya sa Department of Public Works and Highways’ (DPWH) flood control projects sa pakikipagtulungan sa National Irrigation Administration’s (NIA) para makatipid ng tubig at matiyak ang episyenteng paggamit ng water resourcesng bansa.
Naniniwala si Romualdez, makakamit ang rice-self sufficiency dahil sa magiging mataas ang produksiyon at magkakatotoo ito bago magtapos ang termino ng Pangulong Marcos sa 2028.
Nasa mahigit P349 billion ang pondo na inilaan para sa flood control ngayong 2024, kaya malaki ang oportunidad na mapondohan ang mga proyekto.
Ibinida ni Romualdez ang kahalagahan ng konsultasyon para sa implementasyon ng programa dahil hindi aniya estilo ng Kongreso na mag impose ng proyekto na hindi kinukunsulta ang lahat.
Dagdag pa ni Speaker ang convergence program ay patunay sa pangako ng Marcos administration na magkaroon ng magandang buhay ang mga Pilipino.