Positibo si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na mas maraming foreign investors ang maglalagak ng investment sa Pilipinas.
Ito ay kasunod ng produktibong pakikipag ugnayan ng delegasyon ng Pilipinas sa World Economic Forum (WEF) Annual Meeting 2025.
Dahil dito, sinabi ni Speaker ang maraming investments sa Pilipinas ay magbibigay ito mas maraming trabaho at magtutulak sa paglago ng ekonomiya.
“The discussions we held in Davos reaffirm the immense potential of the Philippines as a key destination for global investments,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Nagpapasalamat naman si Speaker Romualdez kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagpapadala ng delegasyon na nagpakita ng maraming dahilan kung bakit dapat piliin ng mga global investors ang Pilipinas.
Giit ni Speaker overwhelming ang naging pagtanggap sa Philippine delegation kaya tiwala siya na maisasalin ito sa mas maraming mga pamumuhunan na magpapalakas sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Pinasalamatan din ni Speaker ang mga miyembro ng Philippine delegation,kabilang si Finance Secretary Ralph Recto, Trade and Industry Secretary Trade Secretary Ma. Cristina Roque, at mga influential business leaders mula sa ibat ibang sektor.
Nakilahok si Speaker Romualdez sa mga high-level discussions at nakipag engaged sa mga kilalang global business leaders at officials.
Isa sa highlights na binigyang-diin ni Romualdez ay ang balanseng geopolitical approach at commitment ng Pilipinas sa economic stability.
Ibinida naman ng Philippine delegation sa WEF 2025 ang mga legislative reforms sa ilalim ngf Marcos administration bilang patunay na handa ang Pilipinas makinig sa mga investors hinggil sa kanilang mga concerns.
Ipinaliwanag ni Speaker Romualdez na ang CREATE MORE law ay naglalayong mapabilis ang momentum ng pamumuhunan sa pamamagitan ng pag aalok ng enhanced tax incentives, pag streamline ng proseso ng pag apruba ng pamumuhunan, pagpapasimple ng mga patakaran sa VAT, at pagbibigay ng target na insentibo para sa mga estratehikong pamumuhunan.
Muli ding tiniyak ni Speaker Romualdez ang kahandaan ng Pilipinas na i-capitalize ang momentum na nabuo ng WEF engagement sa ikatlong sunod na taon ng pagsali nito sa prestihiyosong forum.