-- Advertisements --

Malugod na binati ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez  ang mga incumbent at dating mambabatas sa ibang bansa, diplomat, at mga security at technology experts na lalahok sa isasagawang Parliamentary Intelligence-Security Forum (PI-SF) na magsisimula ngayong Lunes, February 3,2025.

Sa kanyang talumpati sa isinagawang reception sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagtitipon ay isang pagsusulong para sa isang rules-based international order, pagpapalalim ng strategic cooperation, at pagtiyak na walang bansa- maliit man o malaki na mag-isang haharap sa agresyon at intimidasyon.

Ang Parliamentary Intelligence-Security Forum ay isang global platform kung saan tinatalakay ang intelligence-sharing, counterterrorism, cybersecurity, at iba pang hamon sa seguridad.

Layunin ng PI-SF na matugunan ang mga geopolitical tension, economic coercion, at cyber threats na kinakaharap ng iba’t ibang bansa.

Ang Pilipinas ang host ng forum ngayong taon at nakatuon ito sa pagtiyak ng rules-based international order sa Indo-Pacific region.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang Indo-Pacific Region ay nahaharap ngayon sa isang global security concerns dahil sa mga agawan sa teritoryo, economic coercion, cyber threats,, at geopolitical rivalry.

Ipinaalala ng lider ng Kamara sa mga kalahok na ang malalakas na bansa ay umaangat at bumabagsak pero ang mga bansa na nagsasama-sama sa pagdepensa ay nananatili. 

Bukod umano sa lakas ng armas, sinabi ni Speaker Romualdez na nasusukat din ang lakas ng bansa sa lalim ng tiwala rito ng ibang mga bansa.

Ayon kay Speaker Romualdez  kailangang umaksyon na upang mapanatili ang katatagan sa Indo-Pacific region.

Kumpiyansa ang lider ng Kamara na ang forum ay maaalala hindi dahil sa mga salitang nasabi kundi sa mga alyansang napalakas nito, mga pangako napagkasunduan at direksyong tutunguhin nito para sa mga susunod na henerasyon.

Nagpasalamat naman si PI-SF Chairperson, datingUS Congressman Robert Pittenger kay Speaker Romualdez at Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez sa oportunidad na magkaroon ng forum sa Pilipinas upang mapag-usapan ang strategic collaboration, makalikha ng mga bagong kaibigan, at mapalalim ang mga kaalaman kaugnay ng mga banta sa global security lalo na sa Indo-Pacific Region.