Mariing kinondena ni House Speaker Martin Romualdez ang paggamit ng water cannons ng China Coast Guard sa supply vessel ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre na naka station sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Speaker Romualdez na malinaw na paglabag ang ginawang ito ng China Coast Guard (CCG) sa karapatan ng Pilipinas at sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
“The harassment, blocking, execution of dangerous maneuvers, and deployment of water cannons against unarmed vessels engaged in routine operations is not only dangerous but also a blatant disregard for the diplomatic processes we, as a nation, have consistently and firmly advocated for. It is a clear attempt to undermine the peace and stability of the region, and it cannot be tolerated,” wika ni Speaker Romualdez.
Iginiit ni Romualdez na dapat kilalanin ng China ang 2016 Hague tribunal ruling na nagsasabi na sa Pilipinas ang inaangking nitong teritoryo sa West Philippine Sea.
Nanawagan din si Speaker Romualdez ng pagkakaisa sa international community lalo na sa mga bansa sa ASEAN na kondenahin ang naging aksyon ng China at suportahan ang prinsipyo ng malayang paglalayag, pagsunod sa batas, at pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.
Binigang-diin ng house leade na ang Pilipinas ay handa na gumawa ng hakbang, gaya ng paghahain ng diplomatic protest, upang mapangalagaan ang soberanya at karapatan at matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino.