Ipinagmalaki na inulat ni House Speaker Martin Romualdez kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga naging accomplishments ng House of Representatives partikular sa pagpasa ng mga batas na kabilang sa priority measures ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa ginanap na ika-6th Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa MalacaƱang Palace kaninang umaga.
Muling iginiit naman ni Speaker Romualdez ang commitment ng Kamara sa priority legislative agenda ng Marcos Jr., administration.
Sa ulat ni Speaker Romualdez kay PBBM kaniyang sinabi na as of September 25,2024 nasa 60 out of 64 total LEDAC CLA priority measures na ang naaprubahan ng Kamara.
Dagdag pa ni Speaker na aprubado na rin sa 3rd and final reading ang 26 out of 28 LEDAC Common Legislative Agenda priority measures, target maipasa ang dalawang natitira bago magtapos ang 19th congress.
Tinukoy din ni Speaker ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagitan ng Kongreso at ng executive branch.
Sinabi pa ni Speaker na sa 28 LEDAC priority measures, dalawa dito ay ganap ng naging batas, apat dito ay nakatakdang lagdaan ng Pang. Marcos, apat dito nasa bicameral committee reports na naratipikahan, dalawa nakasalang sa bicameral conference committee, 14 naaprubahan ng Kamara at dalawa na lamang ang natitira at nasa committee deliberation.
Nangako din si Speaker Romualdez na ipagpatuloy ng Kamara na maaprubahan ang mga LEDAC measures ng sa gayon makamit ang legislative deadlines.