-- Advertisements --

Ibinahagi ni House Speaker Martin Romualdez ang kaniyang pananaw sa mga kapwa miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kahalagahan ng pagkakaisa at bumuo ng cohesive,resilient, peaceful, and progressive regional community.

Ginawa ni Romualdez ang panawagan sa isinagawang pulong ng ASEAN Inter-parliamentary Assembly (AIPA) interface kasama ang mga ASEAN leaders na ginaganap sa bansang Cambodia.

Pinangunahan ni Speaker Romualdez ang Philippine delagation sa AIPA.

Ipinunto ni Romualdez sa pulong na ang kahalagahan ng concerted efforts ng ASEAN member countries para mapanatiling stable, secured at progresibo ang rehiyon.

Ito ay bukod pa sa pagpapatatag pa ng relasyon sa mga kapwa miyembro ng AIPA parliamentarians.

Muling binigyang-diin ni Romualdez ang strong commitment ng Pilipinas na suportahan ang AIPA para maging mas epektibo ito sa community building sa ASEAN region.

Nagbigay pugay din si Speaker kay Cheam Yeab, chairman ng nasabing pulong at ang unang vice president of the National Assembly of Cambodia, kasama ang mga miyembro ng Cambodia legislature, at mga delegasyon mula ASEAN-member nations.

Sa mensahe naman ni Pang. Bongbong Marcos, kinilala nito ang kahalagahan ng AIPA sa pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng executive and legislative branches of government.

Kasama sa delegasyon si Zamboanga del Norte Rep. Glona Labadlabad na siyang chairperson ng House committee on inter-parliamentary relations and diplomacy.