Naghain na ng kaniyang certificate of candidacy nitong Martes ng umaga si House Speaker Martin Romualdez bilang kinatawan ng First District ng Leyte.
Ito na ang ika-anim na termino ni speaker bilang miyembro ng chamber kung mahalal muli.
Inihain ni Romualdez ang kaniyang COC kay Atty. Maria Goretti Canas,Acting Provincial Election Supervisor ng Probinsiya ng Leyte.
Nagpahayag naman ng taos pusong pasasalamat si Speaker sa mga residente ng Leyte dahil sa kanilang patuloy na suporta at pagtitiwala.
Sa kaniyang pamumuno sa 19th Congress ipinakita nito ang pagkakaisa sa Kamara para ipasa ang mga batas na nakatuon sa pangangailangan ng sambayanang Filipino.
Isa sa kapansin-pansin na legislative achievements ni Speaker ay ang pagpasa sa Republic Act No. 10754 na nagbibigay ng exemptions sa VAt ang mga persons with disabilities.
Sinabi ni Speaker na ito ang isa sa mga batas na kaniyang ipinagmamalaki.
Si Romualdez din ang tumatayong Pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (LAKAS-CMD).