-- Advertisements --

Nakiisa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga nagpapahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ni Pope Francis, na isa umanong huwaran sa pagmamalasakit at kababaang-loob na naghatid ng kagalingan at pag-asa sa milyun-milyong tao sa buong mundo, lalo na sa mga Pilipino na “Lolo Kiko” ang tawag sa kanya.

“It is with a heavy heart that I join the world in mourning the passing of Pope Francis, whom we in Leyte and across the Philippines lovingly called Lolo Kiko,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Hindi makalimutan ni Speaker Romualdez ang pagtungo ni Pope Francis sa Tacloban sa kabila ng masungit na panahon hindi nito alintana ang ulan.

Dagdag pa ni Speaker si Pope Francis nuon ang kanilang inspirasyon para ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng trahedya na idinulot ng Bagyong Yolanda.

Sinabi ng House leader na isinabuhay ni Pope Francis ang tunay na diwa ng isang pinuno na naglilingkod— ang pagkalinga sa mahihirap, may sakit, at mga nakalimutan ng lipunan, at ang pagbibigay hindi lamang ng panalangin kundi pati ng aksyon.

Sinabi rin niya na ang pagpanaw ng minamahal na Santo Papa ay isang mabigat na kawalan hindi lamang para sa mga Katoliko kundi para sa lahat ng pananampalataya na nakatagpo ng lakas at pag-asa sa kanyang mga salita at gawa.

“The world has lost a great man. But the kindness, the wisdom, and the deep compassion he shared with us will never fade. Lolo Kiko may have left this earth, but his spirit will live on in every heart he touched. Rest now, Holy Father. You have done more than enough. Thank you for loving us. Thank you for believing in us. We will carry your light forward,” pahayag ni Speaker Romualdez.