-- Advertisements --

Nagpaabot ng pagbati si House Speaker Martin Romualdez kay Pangulong Bongbong Marcos matapos mapabilang sa “100 Most Influential People in 2024” ng TIME Magazine.

Ayon kay Romualdez, pinagtitibay ng prestihiyosong pagkilala ang dedikasyon ni Pangulong Marcos na itaguyod ang pambansang interes lalo na sa pagdepensa sa soberanya laban sa external threats sa gitna ng tumitinding tensyon.

Nakapagdulot aniya ang pamumuno ni Marcos ng improvements kabilang ang strategic economic policies na nagdala ng stability at paglago sa kabila ng walang katiyakang mga pandaigdigang isyu.

Nagpakita rin umano ng malasakit ang punong ehekutibo sa kapakanan ng mga Pilipino lalo na sa inisyatiba na tumugon sa mga suliranin sa lipunan.