-- Advertisements --

Nakikiisa si House Speaker Martin Romualdez sa sambayanang Pilipino sa pag-aalay ng taos-pusong pakikiramay sa Royal Family, sa gobyerno at sa mga mamamayan ng Great Britain sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

Ayon kay Romualdez, nagluluksa ang lahat sa pagkawala ng dakilang pinuno ng mundo na nagsilbing inspirasyon sa maraming henerasyon ng mga pampublikong tagapaglingkod sa lahat ng bahagi ng mundo.

Si Queen Elizabeth II ay maalala bilang banayad at matatag na lider na nagpapakita ng katatagan sa pagganap ng kanyang tungkulin.

Binigyang-diin ni Romualdez na ang pangalan ng Reyna ng Britanya ay kailanman hindi malilimutan, at ang kanyang mga alaala bilang isang dakilang monarko ay mananatiling nakaukit sa puso ng bawat isa magpakailanman.