-- Advertisements --

Nagpasalamat si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa US $50,000 (o katumbas ng P2.925 milyon) donasyon ng Singapore Red Cross para sa mga nasalanta ng super typhoon Carina.

“On behalf of our people and President Ferdinand R. Marcos Jr., thank you, Singapore Red Cross,” ayon kay Speaker Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez ang donasyon ay malaking tulong upang muling makabangon ang mga biktima ng bagyo.

Ang donasyon na mula sa Singapore Red Cross (SRC) sa pamamagitan Philippine Red Cross.

Ayon kay Benjamin William, Secretary General/ CEO ng Singapore Red Cross, na ang pondo ay gagamitin para suportahan ang “emergency operations” ng Philippine Red Cross, sa pagpapaabot ng mga kinakailangang tulong sa mga pamayanang naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

Una na ring nagpahatid ng tulong si Speaker Romualdez at mga kasamahan nito sa Kamara para sa mga labis na nasalantang komunidad ng bagyong Carina at habagat.

Noong nakaraang Linggo, pinangunahan ng pinuno ng Kamara ang pamamahagi ng relief goods sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila partikular sa lungsod ng San Juan, Marikina, Navotas, at Quezon City.