-- Advertisements --

Hiniling ni Ferdinand Martin G. Romualdez noong Martes ng hapon (oras ng Estados Unidos) sa Amerika ang pagpapalawak ng multilateral joint military exercises sa Pilipinas.

Umapela din ito para sa pagtaas ng United States (US) foreign military financing (FMF), at malugod na tinanggap ang Philippines Enhanced Resilience Act of 2024 (PERA Act) kasunod ng kanyang serye ng mga pagpupulong sa mga mambabatas ng US, kabilang si Sen. William Francis Hagerty ng Tennessee.

Ginawa ni Speaker ang mga panukala sa panahon ng kanyang pakikipag-ugnayan sa mga mambabatas ng US, kabilang sina Hagerty, Sen. Christopher Van Hollen ng Maryland, Rep. Gary Palmer ng Alabama, at iba pang opisyal ng US nuong Abril 16, 17, at 18 upang itaguyod ang pambansang depensa at kooperasyong panseguridad sa rehiyon.

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pinalawak na multilateral joint military exercises sa Pilipinas hindi lamang para mapabuti ang mga diskarte sa pagtatanggol nito kundi pati na rin para mapalakas ang ugnayan sa iba pang mga kaalyado na tinitiyak ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Binanggit ni Romualdez ang bisa ng Balikatan exercises sa US at mga kaugnay na aktibidad sa iba pang mga kaalyado sa rehiyon.

Ipinanukala ni Speaker na taasan din ang United States foreign military financing (FMF) sa Pilipinas mula sa $40 million.

Ipinahayag din ni Speaker ang kanyang “malalim na pasasalamat” kay Hagerty, isang Republican, at Sen. Tim Kaine ng Virginia, isang Democrat, para sa pagpapakilala sa Senado ng US ng PERA  2024, isang panukalang batas na naghahanap ng $500 milyon sa isang taon sa FMF para sa Pilipinas para sa 2025 hanggang 2029, o kabuuang $2.5 bilyon sa loob ng limang taon.

Ang  US FMF program ay nagbibigay ng mga US grant  para sa pagkuha ng kagamitan, serbisyo, at pagsasanay sa pagtatanggol.

Nilalayon nitong isulong ang mga interes ng pambansang seguridad ng US sa pamamagitan ng pag-aambag sa panrehiyon at pandaigdigang katatagan, pagpapalakas sa military support para democratically-elected governments, labanan ang  transnational threats, kabilang ang terrorism at trafficking of persons, narcotics at mga armas.