-- Advertisements --
Nagpa-abot ng pakikiramay si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamilya ng sundalong nasawi sa isang sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga rebeldeng komunista sa Batangas.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagkasawi ng sundalo ay isang paala-ala sa kanilang sakripisyo para mapanatili ang seguridad ng bansa.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang insidenteng ito ay nagpapakita rin umano ng mga hamon sa pagkakaroon ng kapayapaan at katatagan ang bansa.
Tiniyak naman ni Speaker Romualdez na tutulong ang gobyerno para magkaroon ng isang mapayapang pagbabalik sa lipunan ng mga pipili ng landas na ito. – ANALY SOBERANO