Muling binigyang-diin ni Speaker Martin Romualdez ang kaniyang panawagan kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves na bumalik na ng bansa at magbalik trabaho na.
Itoy kasunod sa naging pulong ni Speaker sa legal counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio kagabi.
Sinabi ni Speaker nasa ethics committee na ang kaso ni Teves kung saan ongoing na ang isinagawang moto propio investigation.
Siniguro naman ni Romualdez na sa sandaling matapos na ng komite ang kanilang imbestigasyon at magsumite ito ng kanilang rekomendasyon saka ito gagalaw.
Tiniyak naman ni Romualdez na kaniyang sisiguraduhin magiging ligtas ang pagbabalik bansa ni Teves.
Hinimok ni Romualdez si Teves na ikonsidera ang kaniyang deisyon na hindi babalik sa bansa dahil hindi ito akma bilang isang miyembro ng Kamara.
Nararapat lamang harapin nito ang mga akusasyon laban sa kaniya.
Kahapon, sinimulan na ng House Committee on Ethics and Privileges ang moto propio investigation kaugnay sa unauthorize leave of absence ni Cong. Teves.