-- Advertisements --

Nilagdaan na ni Speaker Martin Romualdez at House Secretary General Reginald Velasco ang kontrobersiyal na Maharlika Investment Bill kahapon.

Ito ang kinumpirma ng Speaker’s office kung saan kahapon din nai-transmit ito sa senado.

Kinumpirma naman ng senado na nai-transmit na sa palasyo ng Malakanyang ang MIF Bill para lagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang MIF Bill version ng senado ang siyang inadopt ng House of Representatives.

Una ng sinabi ni House Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda na napagdesisyunan ng kamara na i-adopt ang Senate version ng MIF Bill ng sa gayon makapagsimula na ang Executive na bumuo ng rules and regulations.

Inihayag naman ng chief executive na kaniyang lalagdaan ang MIF Bill sa sandaling umabot na ito sa kaniyang opisina.

Sa kabilang dako, nagkaroon din ng pre- LEDAC meeting ang Kongreso at Senado na pinangunahan mismo nina Speaker Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri.

Tinalakay at kanilang napag usapan ang mga priority measures na ipapasa para sa Second Regular Session ng 19th Congress.