Inatasan ng Kamara ang Philippine Coast Guard na isumite na ang comprehensive strategic modernization plan kaugnay ng pagsisimula ng budget season.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, gagawing basehan ito ng Kamara sa ilalaan na dagdag na pondo sa PCG sa sandaling talakayin na ng Kongreso ang panukalang pambansang budget para sa 2025.
Sabi ni Romualdez, dapat nakadetalye sa plano ang pagpapalakas ng kakayahan sa pagpapatrulya at proteksiyon sa karagatan na sakop ng Pilipinas lalo na sa West Philippine Sea.
Sa isusumiteng modernization plan, gustong makita ng Kamara ang kasalukuyang kalagayan ng assets ng PCG, mga kailangan na i-upgrade na vessels at equipments, training program para sa mga personnel at inisyatibo para sa regional cooperation at maritime law enforcement.
Tiniyak ng House Speaker na committed ang Kamara na suportahan ang pagpapalakas sa PCG.
Giit ni Romualdez, lamang ito sa proteksiyon ng ating teritoryo kundi magsisilbing “defense posture” laban sa mga magtatangka na manakop sa mga isla na pagmamay-ari ng Pilipinas.