-- Advertisements --

Pinasalamatan ni House Speaker Martin Romualdez ang ibat ibang ahensiya ng gobyerno na nakiisa sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair kasama ang House of Representatives.

Inattribute naman ni Speaker Romualdez ang tagumpay ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair dahil sa pagkakaisa ng lahat.

Layon ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa vulnerable sectors.

Sa ngayon nasa 21 lugar na sa bansa ang napuntahan mula sa 17 rehiyon.

Sa ginawang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Agency Summit 2024 ngayong araw, pinarangalan ni Speaker Romualdez ang ibat ibang ahensiya ng gobyerno dahil pakikiisa ng mga ito.

Ayon kay Speaker ang collective efforts ng mga government agencies ay nagbigay daan na ilapit sa ating mga kababayan ang mga alok na serbisyo ng pamahalaan.

Nagkaroon din ng magandang impact sa ating mga kababayan ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.