-- Advertisements --

Pinasinungalingan ni House Speaker Martin Romualdez ang isyung impeachment laban kay VP Sara na umanoy pinag uusapan sa Kamara.

Ayon kay Romualdez wala silang anomang balita tungkol sa sinasabing reklamo at wala rin silang alam na ibang grupo na nagpa-plano ng katulad na hakbang.

Batay sa ulat sinisimulan na ng grupong Bayan ang pag draft umano sa impeachment laban kay VP Sara.

Reaksiyon ni Speaker Romualdez na wala naman silang nasasagap na impormasyon ukol dito.

” We have nothing like that in the radar so we would have to look at whatever comes before us but I’ve not heard,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Sa isang hiwalay na panayam naman sinabi ni House Deputy Majority leader for Communications Erwin Tulfo, sakali mang may maghain nga ng reklamo ay aaralin pa kung may sapat itong form and substance bago umusad.

Una na ring sinabi ni Assistant Majority Leader Paolo Ortega na wala ring nagpapahayag ng interes mula sa mayorya sa Kamara na suportahan ang plano ni dating Sen. Sonny Trillanes na maghain ng impeachment complaint.