Nagpahayag ng malakas na suporta si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil sa kaniyang komprehensibo at malakas na pag-uulat sa bayan sa kaniyang ikatlong SONA kung saan kaniyang binigyang-diin ang kaniyang paninindigan sa soberenya ng bansa, mga repormang pang ekonomiya, pangako na matiyak ang kaligtasan ng lahat at social stability.
Tahasang ininhayag ng Pangulo na ang West Philippine Sea ay hindi isang kathang isip lamang at ito ay pag-aari ng Pilipinas at ang total ban ng POGO sa bansa.
Ayon kay Speaker ang pagkilala ng Pangulo sa AFP, PCG at mga mangingisda dahil sa kanilang mahalagang papel na panatilihin ang integridad ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo.
Dagdag pa ni Speaker, ang pagbibigay-diin ng Pangulo sa pamamagitan ng diplomatic channels ay mareresolba ang anumang hindi pagkaka-intindihan.
Pinuri din ni Romualdez ang pahayag ng Presidente na tuluyan ng i-ban ang POGO sa bansa at maging ang bloodless war laban sa iligal na droga.
Inihayag ni Speaker Romualdez, sa ilalim ng liderato ni Pang Marcos nagkaroon ng magandang resulta sa ekonomiya, kabilang ang job creation, infrastructure development, at advancements in digital infrastructure.
Siniguro naman ni Speaker Romualdez na suportado ng Kamara sa pagpasa ng mga makabuluhang batas.