-- Advertisements --

Pinuri House Speaker Martin Romualdez si Vice President Sara Duterte sa desisyon nito na i give na ang confidential funds sa ilalim ng 2024 national budget.

Sa isang panayam sinabi ni speaker na ang ginawa ng pangalawang Pangulo ay isang tamang desisyon.

Umaasa din si Speaker Romualdez na magkakaroon ng mas magandang relasyon at ugnayan ang Kamara at Office of the vice president.

Kumpiyansa naman si Speaker na ang ginawang hakbang ni VP Sara ay makakabuti sa pagitan ng mga mambabatas at ni VP Sara.

Binigyang- diin ni Romualdez na nais kasi ni Pang. Marcos na magsanib pwersa at magtrabaho ng sama sama para sa ikabubuti ng bansa at sambayanang Pilipino.

Samantala, inihayag naman ni Romualdez na kaniyang ialay ang kaniyang buong buhay na pagsilbihan ang sambayanang Pilipino ng mas mahusay.

Sa flag raising ceremony kaninang umaga, kinilala din  Romualdez ang mga empleyado ng Kamara de Representantes, kasama ang mga congressional staff sa kanilang sipag at dedikasyon sa trabaho at sinabi na sila ang nagsisilbing lakas ng kapulungan.

Nagpasalamat si Speaker Romualdez, ang lider ng mahigit 300 kongresista, sa mga empleyado sa isinagawang flag-raising ceremony ng Kamara ngayong Lunes.

Sinabi ni Speaker Romualdez na nagsusumikap din ang liderato upang masuklian ang pagtatrabaho ng mga empleyado at matiyak na maayos ang kanilang pinapasukan.