-- Advertisements --

Hinamon ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Biyernes ng gabi ang kanyang mga kapwa abugado na ipagtanggol at maging protektor ng Konstitusyon, hustisya, pangingibabaw ng batas, at mga walang laban na walang kakayanan na kumuha ng legal services.

Ginawa ng lider ng Kamara ang mensaheng ito sa 20th National Convention of Lawyers ng Integrated Bar of the Philippines na ginanap sa Lahug, Cebu City.

“We must ensure that every Filipino, whether rich or poor, educated or unlettered, knows that the law is not the instrument of the powerful, but the protector of the weak. That justice is not a privilege, but a right. And that lawyers are not mere advocates of clients, but guardians of the nation’s moral and legal compass,” saad pa nito.

Ayon sa lider ng Kamara de Representantes sa kasalukuyan hindi lamang expertise ang kailangan ng legal profession kundi maging ng tapang.

“Courage to uphold the Constitution when it is most inconvenient. Courage to speak the truth when silence is the safer path. And courage to stand for justice, not just for the privileged, but for those who cannot afford representation, whose voices are drowned out by wealth and influence,” sabi nito.

Sinabi ni Speaker Romualdez sa kanyang mga kapwa abugado na siya ay humaharap sa kanila hindi bilang isang public servant kundi bilang isang abugado na naniniwala sa kapangyarihan ng kanilang propesyon na hubugin ang kasaysayan.

Ayon pa kay Speaker Romualdez siya ay nakatayo sa harap ng kanyang mga kaibigan sa legal na propesyon hindi lamang bilang Speaker ng Kamara kundi bilang isang kapwa abugado na dapat sumunod sa sinumpaang propesyon, hinubog ng kapaerehong disiplina, at pangakong itataguyod ang hustisya at pagsunod sa batas.

Nagsalita rin si Speaker Romualdez kaugnay ng papel ng batas sa kasalukuyang mundo.

“We live in an era of disruption. Technology is rewriting the rules of commerce, artificial intelligence is reshaping the practice of law, and geopolitical shifts are challenging the very notion of sovereignty and international order. Here at home, democracy is being tested not by force, but by apathy; not by the absence of law, but by its misuse and manipulation,” wika pa nito.
Sinabi ng lider ng Kamara na nakikita nito kung papaano, kung paano ang mga batas, kapag ginawa nang may karunungan at layunin, ay maaaring makapagpabago ng buhay.

Nagbigay ng katiyakan si Spaker Romualdez sa kanyang mga kapwa abugado na ang Kamara ay mananatiling partner ng legal na propesyon sa pagtiyak na natutugunan ng legal system ang pangangailangan ng publiko.