-- Advertisements --

Muling nananawagan si Speaker Martin Romualdez sa mga profit-hungry traders o mga negosyanteng gutom sa tubo na nagmamanipula ng presyo at nag-iimbak ng mga produktong pang-agrikultura tulad ng sibuyas na huwag masyadong maging sakim o gahaman kundi magdusa ang mga ito sa malalang kahihinatnan.

Siniguro ni Speaker Romualdez na mananagot ang mga ito sa batas.

“So stop this foolishness, bring back the supply, stabilize it, work with us. And if not, you’re against us—your days are numbered,” wika ni Romualdez.

Pagtiyak ni Romualdez na hahabulin ng kongreso ang mga unscrupulous traders at hoarders kung hindi nila ihihinto ang maling gawain.

Una nang sinabi ni Romualdez na bilang na ang mga araw ng mga hoarder na ito dahil kumikilos na ang Kamara sa pangunguna ng House Committee on Agriculture and Food.

Katunayan, magkakasa na ng motu proprio investigation ang komite sa susunod na linggo.

Ipinupunto ni Romualdez ang paglipana ng mga hoarder na siyang dahilan kung bakit sa kabila ng sapat na suplay ng mga produkto ay sumipa ang presyo ng asukal, sibuyas at ngayon ay bawang.

“We’d like to tell the public that the House of Representatives will use all its resources, and employ all its efforts to ensure that we bring back stable prices and stable supply of these basic commodities,” dagdag pa ni Romualdez.

Kahapon nakipagpulong si Romualdez at iba pang pinuno ng Kamara sa mga kinatawan mula sa Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) kung saan nanawagan siya ng all-out war laban sa mga profiteer na bumibiktima sa mga kaawa-awang mga mamimili.

“It only points out to one thing, there is hoarding, there is price manipulation. So we are warning those who are behind these nefarious activities—that your days are numbered, the House will be going after you,” paliwanag ni Romualdez.

Sisimulan na rin ng House Committee on Agriculture and Food ang imbestigasyon patungkol sa hoarding at pagmamanipula sa presyo at suplay ng agricultural products gaya ng sibuyas.

Ayon kay Quezon Representative Mark Enverga, na batid nila , na isang open secret na ang kalakaran ng hoarding kaya’t hihingi sila ng listahan ng mga tukoy na hoarder sa Department of Agriculture (DA), at iba pang sources ng mga kasamahang mambabatas.

Inatasan na rin aniya ni House Speaker Martin Romualdez si Appropriations Chair Elizaldy Co, na alamin kung mayroon pang maaaring gamiting pondo para mapalakas ang pagtugon ng DA sa isyu.