Panawagan ni House Speaker Martin Romualdez sa mga rice traders na bawasan ang kanilang kasakiman at tulungan ang Marcos administration para maibsan ang kalagayan ng pamumuhay ng mga pamilyang Pinoy.
Ito’y kasunod sa mga ulat na patuloy na nanamantala ang mga hoarders ng sa gayon tumaas na naman ang presyo ng bigas sa merkado.
Kanina pinangunahan ni Speaker Romualdez ang pagsasagawa ng inspeksyon sa ilang malalaking rice warehouse sa Bulacan kasama ang fact-finding mission ng Bureau of Customs.
Sa nasabing inspeksyon napatunayan na may nangyayaring hoarding nga ng bigas.
Ayon kay Speaker Romualdez karamihan ng suplay ng bigas ay aabot ng hanggang tatlong buwan pero ang lumalabas ay hoarding.
Giit ni Speaker kapag hino-hoard ang suplay ay talagang tumataas ang presyo ng bigas.
Dagdag pa ni Romualdez na batay sa kanilang assessment may sapat na suplay ng bigas lalo na yung inimport mula sa ibang bansa subalit tumaas na rin ang presyo.
Aniya kapag dumating ang inangkat na bigas ay ilabas agad sa merkado.
Ibinunyag din ni Speaker na maging ang mga locally produced na bigas ay hinohold back din para mai -match yung presyo sa international pricing.
Nanawagan din si Romualdez kay Rice Czar Usec Leocadio Sebastian ng DA (Department of Agriculture) na gumawa na ng hakbang para hindi na sumirit pa ang presyo ng bigas na siyang hangarin ng Pangulo.
Samantala, pinagbawalan muna ng BOC ang mga may-ari ng Great Harvest Rice Mill Warehouse, San Pedro Warehouse, at FS Rice Mill sa pagtanggap ng mga inimport na bigas hanggat hindi nila maipapakita ang kaukulang dokumento sa importation.
Ayon kay Rep. Mark Enverga ang rice hoarding ay maituturing na economica sabotage.