Iniulat ni Speaker Martin Romualdez sa isinagawang 5th LEDAC meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tapos na ang House of Representatives sa kanilang trabaho na aprubahan ang mga panukalang batas sa third and final reading na kabilang sa priority measures ng administrasyon.
Isinagawa ang pulong sa Palasyo ng Malakanyang kaninang umaga.
Ayon kay Speaker Romualdez na sa ngayon hinihintay na lamang ng Kamara ang aksiyon ng Senado hinggil sa mga inaprubahang panukalang batas na naka linya sa Philippine Development Plan at 8-point socio-economic agenda sa ilalim ng Medium-Term Fiscal Framework ng Pangulong Marcos.
Ipinagmalaki ni Speaker Romualdez na inaprubahan na ng Kamara sa third and final reading nuong buwan ng Marcos ang 20 priority LEDAC measures na target ipasa sa katapusan ng buwan ng Hunyo 2024.
Binigyan din ng update ni Speaker Romualdez hinggil sa status ng 20 batas kung saan tatlo dito ay pinagtibay na at ang tatlo ay sumasailalim sa enrollment process.
Sa kasalukuyan apat na panukalang batas ang tinatalakay sa bicameral conference committees (bicam), habang ang 10 iba pa ay inaprubahan na sa third and final reading.