Nagsalita na si Speaker Martin Romualdez na hindi siya tatakbo bilang senador sa susunod na halalan.
Sa isang panayam sa lider ng Kamara sinabi nito na hindi siya kakandidato bilang senador sa 2025 midterm elections.
Gayunpaman sinabi ni Speaker Romualdez, kakandidato siya bilang kongresista ng kaniyang distrito sa Leyte.
Nang tanungin naman si Speaker hinggil sa plano nito sa 2028 polls aniya, masyadong matagal pa ito para pag-usapan.
Binigyang-diin ni Romualdez na marami pang dapat trabahuhin para mapabuti pa ang buhay ng mga Filipino.
Sa ngayon nakatutok ang Kamara sa pagpasa ng mga makabuluhang panukalang batas para sa ikauulad ng Pilipinas at mabigyan ng magandang buhay ang sambayanang Filipino.
Sa kabilang dako, inihayag kasi ni Vice President Sara Duterte na tatakbo sa pagka senador si dating PRRD ang dalawa nitong kapatid na sina Mayor Baste at Rep. Paolo Duterte.