Muling binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez ang pagkakaisa sa bansa na siyang isinusulong ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang ambush interview Speaker Romualdez sa Malakanyang, sinabi nito na hangad ng punong ehekutibo na magkaisa din ang sambayanang Filipino.
Ang reaksiyon ni Speaker ay kasunod sa naging pahayag ni Pangulong Marcos kaugnay sa pagkikita nila ni dating Vice President Leni Robredo kahapon sa Sorsogon.
Inihayag ng Pangulong Marcos na siya ay nagagalak sa meet and greet nila ni dating Vice President Leni Robredo na aniya simula para isang sa peace and reconciliation.
Kapwa nasa Sorsogon kahapon sina Robredo at Pang. Marcos upang dumalo sa ibat ibang event duon.
Pinasinayaan ni Pang. Marcos ang Sorsogon Sports Arena kahapon.
Ipinunto ni Speaker na bukod sa pagkakaisa, mensahe din ng Pangulong Marcos na magkaroon ng pagkakasundo sa lahat kabilang dito sa mga naging katunggali sa pulitika.
” It’s been our president’s message to the country that we always must unite. That the Filipino’s should always be as one. So that’s just a reiteration of a message that has reached throughout the Philippines. [It’s] all about, reuniting, reconciling and being one,” pahayag ni Speaker Romualdez.