Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na nagbubunga na ang mga ipinatupad na polisiya ng administrasyong Marcos upang labanan ang inflation sa bansa.
Ito’y kasunod ng paghupa ng inflation sa 1.8 percent nitong buwan ng Marso.
Ayon kay Speaker Romualdez, nararamdaman na ang ipinatupad na intervention ng gobyerno gaya ng pagtapyas sa taripa sa imported na bigas at ang pagtatakda ng maximum retail prices para sa bigas at iba pang pagkain.
Nagpahayag ng kagalakan si Speaker para sa mamamayan lalo’t ang pagbagal ng inflation ay nangangahulugang maiibsan ang kanilang bigat na pinapasan sa pinansyal na aspeto.
Naniniwala rin ang Speaker na ang pagbaba ng presyo ng bigas ang nagsilbing main driver ng inflation.
Kasabay nito ay umaasa si Romualdez na mapapanatili na sa mas mababa sa 2 percent ang inflation rate at ang nagpapatuloy na hamon ay ang pagpapababa sa presyo ng pagkain.
Nanawagan naman ito sa gobyerno na paghandaan ang panahon ng tag-ulan kung saan karaniwang nagkakaroon ng upward pressure sa presyo.
Siniguro ni Speaker na Patuloy na tutulong ang Kamara sa executive branch upang labanan ang inflation sa pamamagitan ng legislative measures at pagganap sa oversight power nito.