Kapwa nangako sina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Chiz Escudero na paigtingin pa ang connectivity and cooperation ng dalawang kapulungan ng Kongreso para ipasa ang ang mga legislative agenda ng Marcos administration.
Ito ang resulta sa naging pulong ng dalawang lider ng kapulungan na ginanap kanina sa Aguado residence sa Malacañang na siya nilang unang official house and senate leadership meeting.
Ayon kay Speaker Romualdez ang makasaysayang kaganapan ay nagmamarka ng isang makabuluhang hakbang sa pagpapaunlad ng higit na pagkakaisa at pagtutulungan sa pagitan ng dalawang kamara upang epektibong matugunan ang mga hamon na kinakaharap ng bansa at magtrabaho patungo sa isang mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat ng Pilipino.
Dagdag pa ni Speaker, ang nasabing pulong ay sumisimbolo din sa isang panibago at pinasiglang partnership sa pagitan ng Kapulungan ng mga Kinatawan at ng Senado sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Escudero.
Nagsilbi din itong preliminary meeting sa buong Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na ginanap noong Hunyo 25.
Kabilang sa mga dumalo sa pulong ay sina Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez, House Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co, Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Sec. Mark Llandro “Dong” L. Mendoza, Undersecretary Adrian Carlos A. Bersamin of the Office of the Executive Secretary, House Secretary General Reginald “Reggie” Velasco, Deputy Secretary General Jennifer “Jef” Baquiran, Deputy Secretary General Robert David Amorin, Head Executive Assistant Director V Atty. Muel Romero, Senate Sec. Renato N. Bantug, Deputy Secretary Atty. Mavic Garcia, and Atty. Roland S. Tan, Escudero’s Chief of Staff.
Sa nasabing pulong, muling pinagtibay ni Speaker Romualdez at Senate President Escudero ang kanilang dedikasyon sa legislative agenda ni Pangulong Marcos, na inuuna ang mga hakbang na naglalayong mapabuti ang buhay ng mga mamamayang Pilipino.
Binanggit ni Speaker Romualdez na ang pangunahing pokus ng pulong ay ang mga pag-amyenda sa Rice Tariffication Law, na tinukoy bilang isang pangunahing prayoridad.
Ang mga susog na ito ay naglalayong magbigay ng de-kalidad na abot-kayang bigas sa mga Pilipino at mapataas ang kita ng mga Pilipinong magsasaka.
Binigyang-diin ni Speaker na ang partnership ng Kamara at Senado ay hindi lamang tungkol sa pagpasa ng mga batas ay para mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.