Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez ang kaniyang suporta sa naging desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na konsultahin ang mga opisyal ng sundalo kaugnay ng iligal na paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard at dalawang bangka na maghahatid ng suplay sa mga sundalong naka-istasyon sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Speaker Romualdez suportado rin nito ang diplomatic action ng gobyerno laban sa panibagong panghaharass ng China.
” The President made the right decision to get the consensus of officials of the Armed Forces of the Philippines on how best the government can address the latest incident in West Philippine Sea,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Kahapon nagpatawag ng command conference si Pangulong Marcos upang planuhin ang gagawing hakbang ng gobyerno kaugnay ng ginawa ng China.
Pinuri rin ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos sa paggiit nito ng soberanya ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS.
Nagpadala na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic note sa Beijing upang iprotesta ang nangyari sa Ayungin Shoal.
” We support his position that we should continue to assert our sovereignty there and that we should defend every inch of our territory,” pahayag ni Romualdez.