Suportado ni Speaker Martin Romualdez ang layunin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hikayatin ang mas maraming mamumuhunang banyaga na pumunta sa Pilipinas para maglagak ng kanilang negosyo.
Siniguro naman ni Romualdez na ang Kongreso ay nakatuon din sa paggawa ng batas na namamahala sa pagpapahalaga sa mga dayuhang pamumuhunan sa bansa.
“And we are also looking at the totality of the body of laws and looking at older, or laws that are either obsolete or archaic, or ‘yung mga sinasabing hindi na bagay na panahon na nag encourage tayo ng foreign investments at hahanapin natin ng paraan to amend, na babaguhin natin para mas magiging open ang bansa sa foreign direct investments,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Sinabi ni Romualdez na gagawin ng Kamara ang lahat batay sa nakasaad Foreign Investments Act at mga detalye na magtbubukas para sa foreign direct investments.
Ipinunto ng lider ng Kamara, ang pakikipag-ugnayang ito ay nagdadala ng pangako na mas mapa-unlad ang ekonomiya ng bansa at mapatatag ang ugnayan nito sa Singapore sa paglikha ng mas maraming mapapasukang trabaho na pakikinabangan ng masisipag na mga Pilipino.
Iginiit ni Speaker Romualdez na ang biyahe ng Pangulo sa Singapore ay hindi lamang para sa diplomasya kundi isang patunay ng pagnanais ng gobyerno ng Pilipinas na maging maayos ang hinaharap ng bawat Pilipino.
“Together, with our international partners like Singapore, we remain committed to uplifting the lives of our citizens and driving our nation towards greater heights,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Binigyang-diin ni Romualdez na ang business meetings ng Chief Executive sa Dyson Group at Valiram Group ay malugod na tinatatanggap at sinusuportahan ng Pang Marcos.
Taong 1935 ng maitatag sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang Valiram ang nangungunang luxury goods and retail specialist sa Southeast Asia.
Bukod sa Malaysia may mga retail stores na rin ang Valiram sa Singapore, Indonesia, Australia, the Philippines, Thailand, Hong Kong, Macau and Vietnam.
Nagpapatakbo sila ng higit sa 350 mga tindahan at patuloy na lumalaki, ang grupo ay kumakatawan sa higit sa 200 na mga branded na produkto sa iba’t ibang kategorya, mula sa fashion at accessories, mga timepiece at alahas, pabango, at mga pampaganda hanggang sa confectionery at mga konsepto ng kainan.