Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na malinaw ang direksiyon ng 2025 national budget na nasa P6.352-trillion na layong ipagpatuloy ang pag-angat at paglakas ng ekonomiya na mapapakinabangan ng sambayanang Filipinos.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag sa pagsisimula ng budget deliberation ng Kamara ngayong araw.
Dumalo sa pagdinig ang economic team ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na sina Budget Secretary Amenah Pangandaman, Finance Secretary Ralph Recto, NEDA Secretary Arsenio Balisacan at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona na nagbigag ng briefing sa mga miyembro ng Kamara de Representantes.
Inihayag ni Romualdez, na ang national outlay ay siyang pinaka epektibong paraan upang masiguro na ang mga kababayan natin lalo na ang mga mahihirap ay maramdaman ang benepisyo ng ating economic-achievements.
Punto ni Speaker na aanhin ang pag-unlad kung hindi naman makikinabang ang mga ordinaryong Pilipino.
Dagdag pa ni Romualdez, ang pagbibigay prayoridad sa mga programa na makakatulong sa pag-angat ng buhay ng mga nasa vulnerable sector.
Ipinunto ni Speaker na malinaw din ang misyon sa pag-aaral ng 2025 budget dapat ibalik sa lahat ng mga Filipino ang buwis na nakolekta at siguraduhin na ang ang serbisyo ng gobyerno ay para sa lahat.
Ang 2025 national budget ay naka angkla sa spending priorities ng Marcos administration sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.
Kabilang sa top spending priority ng gobyerno ay ang edukasyon, DPWH, DOH, DILG,DND, DSWD, DA, DOTr, Judiciary at DOJ.
Siniguro ni Romualdez na kanilang ipromote ang transparency at accountability.