Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez ang suporta ng House of Representatives para kay Secretary Sonny Angara na itinalaga ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., bilang bagong Kalihim ng Department of Education (DepEd) kapalit ni Vice President Sara Duterte na nagbitiw sa pwesto.
Ikinalugod ni Speaker Romuladez ang pagkakatalaga kay Angara bilang incoming secretary ng kagawaran dahil sa kaniyang malawak na experience, hindi matatawarang dedikasyon at huwarang public service.
Binigyang-diin ni Romualdez, na sa kabuuan ng karera ni Senador Angara, ipinakita nito ang pagpapahusay sa sistema ng edukasyon at pagtaguyod ng mga karapatan at kapakanan ng mga mag-aaral at guro.
Dagdag pa ni Speaker na ang kahanga-hangang background at kapansin-pansing gawaing pambatasan at mga tagumpay sa patakaran sa edukasyon ay nagbibigay sa kanya ng kadalubhasaan na kailangan nitong pamunuan ang DepEd nang may kahusayan.
Dagdag pa ni Speaker na sabik ang Kamara na makipagtulungan kay Secretary Angara upang maisakatuparan ang mithiin na matiyak na ang bawat batang Pilipino ay may access sa de-kalidad na edukasyon.