Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na susuportahan ng Kamara de Representantes ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makasunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na protektahan ang bansa.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag sa ginanap na HOR-AFP Fellowship kagabi sa Tejeros Hall sa Camp Aguinaldo.
Inimbita ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner si Speaker Romualdez sa fellowship at sa sumunod ditong golf competition.
Bukod kay Speaker Romualdez, dumalo rin sa event si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Nagpasalamat din si Speaker Romualdez sa mga miyembro ng AFP sa kanilang ginagawang pagseserbisyo sa bansa.
Sinabi ni Speaker Romualdez na siya ay inatasan din ni Pangulong Marcos na ipaalala sa mga miyembro ng Kamara de Representantes na irespeto, kilalanin, at suportahan ang mga miyembro ng AFP.
Ayon sa lider ng Kamara ang golf competition ay isang paalala sa lahat ng kahalagahan ng sportsmanship hindi lamang sa laro kundi maging sa pagpapa-unlad ng bansa.
Ayon sa lider ng Kamara, sa golf course ang mga manlalaro ay natututong irespeto ang laro ng bawat isa at tinatanggap ang magiging resulta nito.
Ayon kay Speaker Romualdez ang HOR-AFP fellowship ay sumisimbolo sa samahan ng lehislatura at military.
Nagpasalamat si Speaker Romualdez kay General Brawner sa pag-organisa ng fellowship at golf contest.