-- Advertisements --

Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang suporta ng Kamara para sa “ interest subsidy” para sa mga benepisyaryo ng National Housing for Filipinos Program (4PH), ang legacy housing program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr .

Kaninang umaga nagsagawa ng site inspection si Speaker Romualdez, kasama si Appropriations panel chair Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co, DSHUD Secretary Jose Acuzar at Pagibig Fund Chief Executive Officer, Marilene Acosta sa San Mateo, Rizal kaninang umaga.

Ang programa ay naglalayon na bumuo ng 1 milyong housing yunit bawat taon upang matugunan ang 6.5-milyong backlog ng pabahay sa bansa.

Sinabi ni Speaker na sa kanilang pag-uusap ni Secretary Acuzar na ang kailangan nila sa housing program ng gobyerno ay ang long term solution at ang suporta na interest subsidy sa mga beneficiaries.

Siniguro naman ng lider ng Kamara na hanggaang siya ang nasa pwesto gagawa ito ng paaraan para matustusan ang pondo para dito.

Ayon kay Speaker, nag-usap sila ni Appropriations Committeee Chairman Elizaldy Co na sa una makakapag allot sila ng P10 billion para sa interest subsidy at kung darami pa ang mga unit maaari din na taasan hanggang P20 billion ang interest subsidy.