-- Advertisements --

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na aaprubahan sa 3rd and final reading  ng Kamara de Representates ang panukalang P6.352 trillion budget mamayang gabi.

Itoy matapos sertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcod Jr ang panukalang pambansang pondo.

Ayon kay Speaker Romualdez na kanilang sisikapin na maipasa mamayang gabi ang panukalang pambansang pondo upang maitransmit na ito sa senado.

Inihayag ni Romualdez na ang General Appropriations Bill (GAB) ang pinaka importanteng batas na tinatalakay ng Kamara at wala na silang nakikitang anumang hamon sa pagpasa nito.

Binigyang diin ni Speaker Romualdez na hangad nito na maaprubahan na ang national budget sa takdang oras para sa progreso, kasaganaan at kaunlaran ng buong Pilipinas.