Tiniyak ng liderato ng Kamara ang kanilang committment sa paglaban sa korapsyon.
Ito ang binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez sa ginanap na ika-limang State Conference on the United Nations Convention Against Corruption sa Malacanang.
Ang talumpati ni Romualdez ay binasa ni Manila Representative at House Blue Ribbon Committee Chairman Joel Chua na tumayong kinatawan ni speaker.
Sinisiguro ni Speaker na ang Kamara ay mananatiling matatag sa tungkulin bilang tagapag alaga ng pambansang pitaka at katiwala ng bayan.
Ang patuloy na pagdinig sa Kamara ay nagpapakita ng matibay na determinasyon na itaguyod ang pananagutan at transparency.
Aniya, ang mga imbestigasyon na ito ay higit pa sa pagpapakita ng kapangyarihang pambatas ito ay pagpapatibay sa responsibilidad sa mga Pilipino.
Ang mga ito ay kumakatawan sa ating pangako sa pananagutan sa piskal at mabuting pamamahala dahil ang bawat piso sa pambansang badyet ay kumakatawan sa pinaghirapang kontribusyon ng milyun milyong Pilipino.
Ang pera ng bayan ay hindi para sa pansariling pakinabang ng iilan, ito ay para lamang sa kapakanan ng taong bayan.
Binigyang-diin ni Speaker na kaisa ang Kamara para makamit ang target na maging corruption-free ang bansa,
Pinuri naman ni Speaker ang kanilang mga partners mula sa civil society group at private sector dahil kanilang laban kontra korapsiyon ay napaka halaga.