-- Advertisements --

Nagbabala si House Speaker Martin Romualdez sa mga resource person na magsisinungaling sa mga pag-dinig ng Kamara ay mahaharap sa pagkakakulong.

Ang pahayag ni Romualdez ay bunsod sa nalalapit na pagtatapos ng House Committee on Agriculture and Food sa kanilang imbestigasyon hinggil sa hoarding at price at supply manipulation ng sibuyas sa bansa.

Una nang sinabi ni Quezon Rep. Mark Enverga, chair ng komite, na sa March 21 at 22 ang kanilang magiging huling pagdinig.

amakailan, nagpasya ang mga mambabatas na i-cite in contempt at idetene ang tatlong opisyal ng Argo International Forwarders Inc dahil sa pagmamatigas at kabiguang makilag cooperate sa committee hearing ng Kamara na layong ibunyag kung sino ang mga financier at traders na nasa likod ng talamak na onion at vegetable cartel.

Binigyang-diin ni Romualdez, na hindi na kailangan pang ipaalala sa mga resource persons ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa komite dahil sisiguruhin aniyang bilangguan ang bagsak ng mga ito sakaling magbigay ng mga maling impormasyon sa mga mambabatas.

Ginawa ng House Speaker ang babala, bunsod narin ng pagnanais ng mababang kapulungan na mapababa ang presyo ng sibuyas at buwagin ang cartel sa bansa.

Pagtitiyak ni Romualdez, kanilang pananagutin sa batas ang mga mapagsamantala at abusadong mga indibidwal at negosyante na sangkot sa kartel lalo na kung mapatutunayang may mga govt official na dawit sa anumalyang ito.

Binalaan din ni Speaker ang mga nakikipag sabwatan sa cartel ng sibuyas lalo na kung ito ay taga gobyerno.

Ayon naman kay Committee on Agriculture and Food chair at Quezon Rep. Mark Enverga, inalis na nila ang citation for contempt matapos siniguro ng tatlo sa hous panel na makipag ugnayan at magsumite na sila ng mga kinakailangang dokumento para makatulong kung mayruon talagang price manipulation at sino ang lider ng cartel.