-- Advertisements --

Positibo si Speraker Ferdinand Martin G. Romualdez na lalo pang lalakas ang alyansa ng kaniyang political party ang lakas at ang Partido Federal ng Pilipinas sa pangnguna ng kaniyang pinsan na si Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Romualdez ito ay alyansa ng dalawang pinakamalakass na political party sa bansa at simula pa lamang ito ng kanilang partnership.

Kanina pormal na nilagdaan nina Speaker Romualdez at PFP President Gov. Reynaldo Tamayo ang partnership agreement na tinunghayan ni Pangulong Marcos.

Inihayag ni Speaker ang pagkakaisa ay pundasyon ng isang political force na magsama sama ang legislative at executive ng dalawang partido bilang paghahanda sa 2025 midterm elections.

Sa ngayon ayon kay Speaker nasa proseso na sila sa pagbuo ng kanilang senatorial lineup at sa mga darating na araw ay kanila na itong i-finalized.

Tumanggi naman si Romualdez na magbigay ng pangalan at numero sa kanilang senate slate subalit tiniyak nito na magkakaroon ng full stlate.

Dagdag pa ni Speaker na marami pa aniyang konsiderasyon at kaniya na itong ipinauubaya sa alliance leadership ang magtukoy sa qualifications ng magiging kanilang senatorial candidates.

Siniguro din ni speaker na bukas sila pakikipag alyansa sa iba pang political party kabilang na dito ang patrido ni Vice President Sara Duterte ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) at maging sa PDP Laban.